9/24/2008

Kaibigan Lang Talaga

Minsan nang ika’y Makita
Parang hindi ako makahinga
Nadama ang aking dibdib
Puso’y tumitibok ng kakaiba

Nang makapagpasyang makipagkilala
Hindi maigalaw ang mga paa
Takot at hiya ang nadarama
Pagpapakilala’y di na nagawa

Isang araw, kusa kang lumapit
Pangalan ay iyong binanggit
Pagpapakilala ang iyong pilit
Pakikipagkaibigan ang isa pang hirit

Ngayon ay magkaibigan na
Takot at hiya’y kusang nawala
Naikuwento na ang buhay na ubod ng saya
Mga problema’t sikreto’y ating naibulgar na

Ngunit hindi talaga mapilit
Ang puso kong nagdaramdam
Mayroon itong lihim na hindi mo pa nalalaman
Ito’y ang pagmamahal na gumugulo rin si isipan

Di ka man puwedeng pilitin
Ng puso kong may pagtingin
Sapagkat ang iyong pagmamahal
Iba ang talagang nagaangkin

Tanong na ito’y minsa'y nawawala
Nagsasabing pag-asa’y Malabo na nga ba?
Kaibigan, kaibigan ka lamang ba?
Hindi pa ba batid ang nararamdaman?

Sabi nga ng madla, galit ay di puwede ipakita
Inis ay di rin puwede tumula
“Ano ang karapatan mo?
Kaibigan ka lang diba?”

No comments: