Totoo na sa dami ng mga Hudas sa mundo, masuwerte na ang isa para mabuhay ng hindi nakakatikim ng panlililo (o 'betrayal' kung tawagin sa ingles).
Mayroong dalawang uri ng panlililo. Una ay pag ang isang tao ay talagang trinaydor ka, gaya ng isang kasintahan na nakikipag-relasyon sa iba habang kayo pa. Pangalawa ay ang pagtawag sa isang taong 'traydor' sa kadahilanang galit ka sa kanya.
Sa pangalawa, ang taong nasaktan ay may-sala sa hindi niya paglilinaw sa isa pang taong damay kung ano ba talaga ang nangyari. Matindi ang galit nung isang tao, dahil ang mga pangyayari ay dumating gaya nga ng nangyari; at ang ginawa niya, hayun! - lumikha siya ng sarili niyang bersyon, edisyon, o interpretasyon ng mga tunay na pangyayari. Ang inakusahan niyang 'traydor' ay walang nagawa para ipagtanggol ang kanyang sarili - at hinding-hindi niya maintindihan kung bakit sobrang galit ang ibinabato sa kanya ng dating kaibigan.
Ganyan ka-lala ang pagpapa-imbabaw ng mga tao sa panahon ngayon. Minsan pakiramdam natin na tayo ay 'trinaydor', pero sa katotohanan niyan, tayo talaga ang mga may-sala ng panta-traydor - dahil sa mabilisan nating panghuhusga sa ating kapwa.
Hudas ka na nga, Pilato pa. Ano ba naman yan?!

No comments:
Post a Comment