11/27/2008

Magpaka-Iba Ka!

Isang ama na nasa mga dalawampung taon, at ang kanyang limang taong gulang ay nasa kanilang daan patungo sa isang nayon.

Ang daang kanilang tinatahak ay luma na at matagal ng dinaraanan ng daang-daan at libu-libong mga tao bago pa sila.

Ang bata ay lumayo sa kanyang ama, at sinubukang maglakad ng mag-isa. Tumahak ang bata ng ibang direksyong malayu-layo sa kanyang ama.

Para sa ama, ang landas na dinaraanan ng kanyang anak ay hindi ligtas at may maraming panganib. "Bumalik ka dito! Mapanganib ang lumakad diyan!" sigaw ng ama.

"Tay, tignan mo nga, hindi ako nahuhulog. Nakakatahak na ako ng sarili ko lang!"

Napaisip ang ama sa sinabi ng anak. Sa kanyang pagmasid sa kanyang anak, napansin niya ang nilakaran ng kanyang anak. Kitang-kita ito at halatang-halata; habang ang kanya namang nilalakaran ay wala man lang marka ng kanyang pagdaan.

Ang pagtahak ng sarili mong landas ay marahil pagbali sa nakasanayan na, at maari itong mangahulugan ng maraming "ups and downs".

Ang mga daan ay hindi mabubuo kung hindi natin ito daraanan ng minsan at paulit-ulit; ngunit kung lagi lamang tayong aasa sa nakasanayang daan na at ito ang sinusunod natin habang buhay, sabihin na nating ligtas o sigurado, hindi ka naman makakaranas ng pagunlad.

Ang pag-asenso, ay pagririsk.

Ang pagririsk ay pagkatuto na bumitiw sa iba't ibang bagay... mga bahay na, sabihin na natin, nakagawian na at sawang-sawa ka na. Ang pagbitiw ay nangangahulugan ring pagtanggap sa mga mas makabagong bagay-bagay.


hindi ganun kadali ang pagtahak ng sariling landas, ngunit worth to try naman!

No comments: